Bakit importante ang wika sa atin? Ano kaya ang naibibigay nito sa atin? Nakatutulong ba ito? Lahat ba tayo ay alam kung bakit kailangan ang wika? Binubuhay ba ng ilan ang wikang ito?
Ang Buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika taon- taon. Ang tema sa selebrasyong ito ay “Filipino: Wika ng Saliksik” na kung saan dito nila ipinapahayag o ipinapakita ang layunin kung bakit ang Filipino ay sobrang mahalaga. Sa buwang ito, dito nila isinasabuhay kung bakit wika ay nakakatulong sa pagpapa- unlad ng bansa. Ipinipakita rin dito ang kasaysayan ng wika na ito lang ang ginagamit ng mga tao noon pero ngayon marami nang nagbago. Parang binabalewala na lang ang wikang Filipino.
Sa isang bansa, may mga wika na ginagamit upang tayo ay magkaunawaan. Sa Pilipinas, Filipino ang pambansang wika na kung saan lahat ng Pilipino ay ito ang ginagamit. Taon na ang nagdaan ngunit mayroon nang mga pagbabago ang naganap. Taon- taon may mga naidagdag na discoveries o mga nasaliksik. Ginagamit ng mga tao ang wikang ito para maipahayag nang mas maganda. Hindi natin mauunawaan ang isang bagay kung hindi natin ginagamit ang wikang Filipino. Lahat naman tayo ay alam kung paano natin ipahayag ang isang bagay. Ginagamit rin ito upang magbigay ng kaalaman o kaisipan tungkol sa isang paksa. Bilang isang estudyante, napakaimportante sa amin ang wikang ito dahil dito kami nangunguha ng mga impormasyon na kakailangan namin batay sa isang pananliksik. Hindi lang basta- bastang ginagamit ito sa pananaliksik. Isa rin itong gabay at tulong sa atin dahil nakapagpapalaganap tayo ng mga impormasyong kailangan nila.
Ang wika ang isa sa mga makapangyarihang bagay dahil dito natin nalalaman o nasasaliksik ang mga bagay. Hindi balewalain ang wika dahil ito ang buhay natin. Dapat rin nating respetuhin, isaisip at isapuso. Huwag lang natin gamitin ito sa mga bagay na hindi naman importante. Dapat ring isaisip na kung wala ang wika, wala tayo ngayon sa mundong ito. Mahalin rin ang wika tulad ng pagmamahal natin sa ating bansa.
Comments
Post a Comment