Ang buhay natin ngayon ay binubuo ng teknolohiya. Ang mga gadgets na ngayon ay ang buhay nila. Hindi natin maiiwasan ang paggamit natin nito dahil nakakatulong ito sa ating buhay. Ngunit ang paggamit ng gadget ay nasosobrahan na at hindi na nila alam kung paano na gamitin ng tama. Ang paggamit ng gadget ay dapat na limitahan para naman magkaroon ng panahon at oras sa ating pamilya at kapwa.
Ang pakikipag- ugnayan natin sa ating pamilya at sa ating kapwa ay napakahalaga. Ang paggamit ng gadget ay hindi maganda sa pamilya dahil minsan ito ang nag-uugat ng mga away o problema. Bawat tao ay may sarili nang gadgets na ginagamit sa pagkikipagkomunikasyon sa iba pang kapamilya sa ibang bansa. Ngunit ang iba ay ginagamit ito sa maling paraan. Ang pakikipagkapwa na gamit ang gadget ay iba sa pakikisalamuha. Hindi natin maiiwasan ang paggamit ng gadget sa pakikipagkapwa dahil minsan mas marami pa tayong nakikilala sa mga social media. Pamilya ang pinakaimportanteng bagay ang mayroon tayo dahil sila ang nagbubigay sa atin ng mga aral at saya na hindi naibibigay ng sa atin ng mga gadgets.
Pakikipagkapwa at pagkakaroon ng ugnayan sa pamilya ay higit na nakakatulong sa atin upang tayo magkaroon ng produktibong buhay. Gadgets ay nakakatulong rin pero kailangan nating limitahan ito sapagkat hindi tayo dito nabubuhay. Isaisip natin na ang gadget ay gamitin ng tama at mabuti. Hindi natin hawak ang ating oras kung kayat iwasan natin ang paggamit ng gadgets kung andyan ang pamilya. Bigyan ng halaga ang mga oras na kasama pa natin ang ating pamilya hindi ang mga gadgets. Hindi dahil nabubuhay tayo sa panahon ng makabagong teknolohiya ay gadgets na lang ang ating isaisip. Pamilya at kapwa ang dapat nating unahin.
REFERENCES:
http://patakcsoport.hu/wp-content/uploads/2017/02/tumblr_inline_ncxkwd8iQ31smcdov.jpg
https://image.shutterstock.com/image-photo/rich-selection-gadgets-easier-work-260nw-544769044.jpg
http://cdn.shopify.com/s/files/1/0513/2409/files/gadgets_time_01.jpeg?v=1497403238
Comments
Post a Comment